Dingdong Dantes wishes Riveras vs Dantes in Family Feud
Magsisimula ng mag-host si Dingdong Dantes ng game show sa GMA 7 na Family Feud. At ang kanyang hiling, magkatapat ang kanyang pamilya at ang pamilya ng kanyang nobya na si Marian Rivera.
“Gusto ko siyempre yung pamilya ko first versus sa pamilya ni (Marian) Rivera,” nakangiting pahayag ni Dingdong sa ulat ni Audrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Pinalitan ni Dingdong bilang host ng Family Feud si Richard Gomez na tatakbong kongresista sa Samar sa May 2010 elections.
Read more at GMA7 News.